top of page

Our Story...

Her Story
 

I fall for HIM everyday of my life kaya alam kong itong nararamdaman ko ay hindi lang basta paghanga. I love him, and I'm afraid na sa bawat araw na magkikita kami ay maging attach pa ako lalo sa kaniya. Pero babalik na siya sa Korea at maiiwan akong malungkot at nag-iisa. Kaya ngayon pa lang, gusto ko nang umiwas. Kaya ko bang bitiwan ang taong nagmamahal ng wagas sa akin para sa isang pag-ibig na walang kasiguraduhan? I'm torn between my boyfriend and my bias. Sino ang pipiliin ko sa kanila? Si Rain na 10 years ko nang boyfriend o si Lee na matagal ko ng hinahangaan at sinusubaybayan? Totoo nga bang may limitasyon ang pagiging fangirl?

​

His Story

​

I love HER. Takot akong maulit muli ang nangyari noon. September 7,2009.. Nasa ilalim kami ng malakas na buhos ng ulan and I almost lost her that day. Nakipaghiwalay siya sa akin pero 'di ako pumayag, kaya kong tiisin at suportahan ang luho niya. Kaya kong doblehin ang oras ng trabaho ko para sa kanya. Kaya kong ibigay lahat ng gusto niya. Kaya kong gawin ang lahat para sa kaniya, dahil mahal na mahal na mahal ko siya. Pero ganun pa man, di ko pa rin kayang palitan sa puso niya ang lalake na sinubaybayan, hinangaan at higit sa lahat ay minahal niya. Dahil kahit anong gawin ko, ay palagi akong second choice sa puso niya. Hindi ko alam kung hanggang saan ang kakayanin ko.. pero isa lang ang alam ko, kaya kong isakripisyo ang damdamin ko para kay Shine.

bottom of page